Sandra Cam, 6 pa kinasuhan ng murder
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasong murder at frustrated murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam kaugnay sa pamamaslang kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson II noong Oktubre 2019.

Bukod kay Cam, kasama sa ipinagharap ng reklamo ng NBI-Death Investigation Division (DID)  ang anak ni Cam na si Marco Martin Cam; Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna; at Rigor Dela Cruz batay sa inihaing reklamo ng maybahay ng vice mayor na si Lalaine Yuson.

Nauna ng itinanggi ni Cam na may kinalaman siya sa akusasyon ng maybahay ng pinaslang na bise alkalde, subalit matapos ang imbestigasyon ng NBI ay lumutang ang naging akusasyon ni Gng. Yuson na si Cam ay nasa likod ng pamamaslang sa bise alkalde.

Si Yuson III ay pinatay ng mga armadong kalalakihan sa isang eatery na pag-aari ng kaniyang  kapatid na barangay chairman sa Sampaloc. Kasama ni Yuson III sina Wilfredo Pineda, 44; at Alberto Alforte na kapwa sugatan sa pamamaril.

Kasama sa alegasyon ni Gng.Yuson ang isyu sa  pagiging talunan ng anak ni Cam sa 2019 ma­yoral election sa Batuan kung saan nagwagi ang anak ni Yuson na si Charmax Jan Yuson.

PCSO SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with