Maliban kay Garin, siyam na iba pang opisyal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan.
The STAR/KJ Rosales/File
Ex-Health Sec. Garin, 9 pa kinasuhan sa Dengvaxia
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May nakitang sapat na batayan ang Department of Justice (DOJ) para isulong ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay da­ting Health Sec. Janette Garin.

Ito ay kaugnay ng ikalawang batch ng reklamo na inihain hinggil sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Maliban kay Garin, siyam na iba pang opisyal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan. 

May nakita ring sapat na batayan ang DOJ para isulong ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines laban sa presidente ng Sanofi dahil sa paggawa ng bakuna na may banta sa mga “seronegatives” o iyong mga hindi pa nagkaka-dengue.

Nakasaad din sa re­solusyon ng DOJ na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass immunization program.

Hindi umano na­big­­yan ng sapat na impor­mas­yon ang mga recipient ng bakuna, kanilang mga magulang at pamil­ya sa kung ano ang maa­ring maidulot ng bakuna.

DENGVAXIA JANETTE GARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with