^

Police Metro

P300 ipapakain ni Duterte sa BI men na sabit sa pastillas

Malou Escudero - Pang-masa
P300 ipapakain ni Duterte sa BI men na sabit sa pastillas
Nilinaw naman ni Go na hindi opisyal ng gobyerno ang pinakain ng pera kundi isang manloloko at manggamit ng pangalan.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Pakakainin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P300 ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa modus na pastillas sa ahensiyang ito.

Ito ang isiniwalat kahapon ni Senador Christopher “Bong” Go bilang babala sa mga opisyal at tauhan ng BI na sangkot sa ‘pastillas’ scheme na rito, ibinabalot sa naka­rolyong bond paper na tila pastillas ang P10,000 na ibinabayad sa mga tauhan ng BI para makapasok sa bansa ang mga iligal na Chinese national.

Walang ibang ibinigay na detalye si Go maliban sa pagsasabing noong isang linggo ay may pinakain si Duterte ng perang nagkakahalaga ng P300.

“Maniwala kayo o sa hindi, ipapakain sa inyo yang pastillas na yan pero ang palaman, hindi polboron, ang palaman pera. Noong isang linggo lang may pinakain si Pangulo...P300 nilunok nya,” sabi ni Go.

Nilinaw naman ni Go na hindi opisyal ng gobyerno ang pinakain ng pera kundi isang manloloko at manggamit ng pangalan.

Nagbiro pa si Go na tiyak na mababawasan ang nilunok na P300 kaya magiging barya na ito kapag lumabas.

“Sabi ng Pangulo ‘mahilig ka sa pera nga­yon kainin mo ang pera’ di kinain nya nang buo, ang problema yung P300, pagbawas nyan, barya na,” sabi ni Go.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with