^

Police Metro

Manyak sa bus nalambat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ang isang lalaki makaraang mapagkaisahan siyang arestuhin sa loob ng isang pampasaherong bus matapos na manyakin at hipuan ang isang babaeng pasahero kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang inaresto na si Raymond Sevilla, alyas “Rey”, may-asawa, isang operations manager sa isang pribadong kumpanya at nakatira sa Sabio Street, Makati City.  Inireklamo siya ng biktima na itinago sa alyas na “Carmi”, 25, dalaga, isang waitress at nakatira sa San Miguel, Pasig City.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng isang DLTB Bus na bumibiyahe sa Northbound ng South Luzon Expressway sa bahagi ng naturang lungsod.

Ayon kay Carmi, na­tutulog siya nang ma­ramdaman niyang may humihimas sa kaniyang kaliwang hita malapit sa kaniyang kaselanan. Nang maalimpungatan siya, tinanggal ng manyak ang kamay niya hanggang sa bumalik sa pagtulog ang biktima. Dito muling naramdaman niya ang kamay na humihimas sa hita niya kaya tuluyan na siyang nagising at sinampal ang suspek.

Dito sumigaw ang dalaga at sinabing may manyak sa loob ng bus. Nagkaroon na ng komosyon hanggang sa hulihin siya ng ibang pasahero at konduktor ng bus na si Rudy Fernandez. 

vuukle comment

HIPUAN ANG BABAENG PASAHERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with