Sinabi ni Duque, maiiwan sa Japan ang nasabing mga Pinoy seaman sa sandaling maisakatuparan na ang pagpapauwi sa mahigit 500 Pinoy na sakay ng barko.
AFP/Behrouz Mehri/File
35 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Japan ‘di muna papauwiin
Malou Escudero, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan diin kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi muna mapapauwi sa Pilipinas ang 35 Pinoy seafarer ng  Diamond Princess cruise line na nagpositibo sa COVID-19 sa Yokohama, Japan.

Sinabi ni Duque, maiiwan sa Japan ang nasabing mga Pinoy seaman sa sandaling maisakatuparan na ang pagpapauwi sa mahigit 500 Pinoy na sakay ng barko.

Una nang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Japan na 538 ang Pinoy na sakay ng barko at karamihan sa kanila ay pawang crew.

Naghahanap pa ang Pilipinas ng quarantine facility na pagdadalhan sa kanila sa sandaling dumating sa bansa kahit natapos nila ang 14 na araw na quarantine period sa barko.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido “Dodo” Dulay at ang lahat ng Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa COVID-19 ay  agad na inilipat sa iba’t ibang ospital sa Japan at ginagamot na sa ngayon,

Tiniyak naman ng embahada ng Pilipinas sa Japan na palagi nilang kinakausap ang lahat ng pasyente upang matiyak na sila’y naalagaan at nabibigyan ng tulong.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with