Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, ang mga res­pondent ay binibigyan ng limang araw para magsumite ng komento.
Boy Santos/File
ABS-CBN pinagkokomento ng SC sa hirit na gag order ng Solgen
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagko-komento ng Korte Suprema ang ABS-CBN Corporation at subsidiary nito na ABS-CBN Convergence Inc. kaugnay sa petisyon ng Office of the Solicitor General na humihirit ng gag order.

Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, ang mga res­pondent ay binibigyan ng limang araw para magsumite ng komento.

Ito umano ang pasya ng En Banc makaraang matanggap ang urgent motion para sa gag order ng SolGen, kahapon ng umaga.

Hiling ni Calida, mag­labas ng gag order ang Korte Suprema para pagbawalan ang mga partido o mga indibidwal na kumakatawan sa ABS-CBN na maglabas ng anumang statement na tumatalakay sa merito ng prangkisa ng naturang kumpanya.

Sinabi ni Hosaka na ang paghahain ng komento ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc. ay bahagi ng due process at upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghayag ng posisyon ukol sa petisyon.

Sa susunod na linggo, ang En Banc session ng Supreme Court ay gagawin sa Miyerkules dahil holiday sa Martes o selebrasyon ng EDSA People Power Revolution.

ABS-CBN CORPORATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with