2 lalaki natagpuang patay sa tabi ng SUV
Mer Layson (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang dalawang lalaki na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa tabi ng isang nakaparadang sports uti­lity vehicle (SUV) malapit sa Manggahan Floodway sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng dalawang lalaki na nakahandusay sa tabi ng isang puting Mitsubishi Montero, na walang plaka, at nakaparada sa East Bank Road, Brgy. Sta. Lucia.

Sa salaysay ng mga residente, nakarinig na lamang sila ng mga putok ng baril at ilang sandali ay isang lalaki ang nagtungo sa lugar at dito nadiskubre ang bangkay ng dalawang lalaki kaya’t iniulat niya ito sa himpilan ng pulisya.

Inaalam naman ng mga otoridad kung may kinalaman sa transaksiyon sa ilegal na droga ang krimen matapos na makadiskubre ang dalawang pakete ng shabu mula sa eyeglass case ng isa sa mga biktima, na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

SPORTS UTI­LITY VEHICLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with