Ex-NPA kumander Bilog naaresto
Joy Cantos (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang isang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Rodolfo Salas, alyas Commander Bilog sa raid sa Angeles City, Pampanga, kahapon ng umaga.

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, bandang alas -5:50 ng umaga nang arestuhin ng anim na units ng pulisya kabilang ang kanilang elite troops si Commander Bilog sa operasyon sa Doña Carmen St., Mountainview, Balibago, Angeles ng lalawigan. Hindi na nagawang makapanlaban ni Commander Bilog matapos itong mapalibutan ng arresting team ng pulisya.

Si Commander Bilog, 72-anyos ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa 29 counts ng murder kaugnay ng malagim na Inopacan massacre sa Leyte na isinagawa ng NPA rebels, ang armed wing ng CPP na nangyari noong dekada 80.

Nabatid na ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Thelma Bunyi Medina ng Regional Trial Court (RTC) Branch 32 sa Manila na inisyu noong Agosto 28, 2018 sa kaso nitong kriminal.

Magugunita na si Salas ay unang nasakote noong 1986 na nabigyan ng amnestiya ni dating Pangulong Fidel Ramos.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with