Ang mga naaresto ay kinilalang sina Saner Guipal, Mohammad Adjalud­din, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman, at Rasjid Biri, pawang mga nasa drug watch list ng pulisya.
STAR/File
7 drug pusher timbog sa P2.9-M shabu
Danilo Garcia (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City Police at nasamsam ang nasa P2.5 milyong shabu, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Saner Guipal, Mohammad Adjalud­din, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman, at Rasjid Biri, pawang mga nasa drug watch list ng pulisya.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang ikasa ang ope­rasyon ng Station Drug Enforcement Unit sa may Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City na kung saan ay nagawang makapagsarado ng transaksyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa grupo ng mga suspek para makabili ng malaking halaga ng shabu.

Hindi na nakapa­lag ang mga suspek nang palibutan sila ng mga pulis matapos na magkabayaran. Nakumpiska ang 14 na plastic sachets na naglalaman ng 433.02 gramo ng shabu na may katumbas na halaga na P2,944,536.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with