Mag-utol na natalong kandidato sa Taguig City kinasuhan
(Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng sedition ang natalong kandidato sa pagkamayor na si Arnel Cerafica at utol nitong si Allan, kandidatong congressman  noong 2019 midterm elections ng mga taxpayer at miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) nitong Lunes dahil sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

Bukod sa kasong sedition ay kinasuhan din ang magkapatid na Cerafica ng kriminal, inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Ang mga umano’y illegal assembly ay nangyari matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kung saan nanguna sina dating Senator Alan Peter Cayetano at Congressman and filmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra sa Cerafica brothers.

Ayon sa complainant na ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay iligal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho nang magkaroon ng iligal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road, noong May 14 na nagdulot  ng pagsikip sa trapiko at pagparalisa sa daloy ng komersyo ang sa kahabaan naman ng C-5 noong May 23. 

Ayon pa sa rekla­mong isinampa, ang mag-utol na Cerafica ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officers, at meron pang mga bi­nitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil umano sa dayaan sa 2019 elections.

TAXPAYER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with