^

Police Metro

3 mangingisda gutay sa sumabog na dinamita

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Luray ang katawan at nasawi noon din ang tatlong mangingisda matapos masabugan ng dinamita na hinagis sa kanilang bangka ng hindi nakilalang mga suspek habang nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Danao sa bayan ng Balud, Masbate kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Arthur Ross Villaruel; Lito Maranon Salvana; at Rosel Catañeda Reyes, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Panubigan.

Nakaligtas naman ang dalawang kasamahan na sina Jomar Dela Cruz, 32; at Noli Almoguera Dela Cruz, 35.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na agad tumakas sakay ng bangkang de motor makaraang mambato ng dinamita.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi habang na­ngingisda sa karagatan ang mga biktima nang dumating ang ilang hindi nakilalang suspek na sa­kay ng de-motor na bangka nang makalapit ay ibinato ang dinamita at sumabog at nasabugan sa katawan ang mga biktima na agad namatay.

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with