Sa halip na pagpapahid ng abo sa noo ay maaaring ibudbod na lamang ito sa bumbunan ng mananampalataya.
STAR/File
Simbahan ibinawal ang pagpahid ng abo sa noo
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

Bilang pag-iingat sa COVID-19...

MANILA, Philippines — Wala munang magaganap na pagpapahid ng abo sa noo sa Pebrero 26, Ash Wednesday na pagsisimula ng kuwaresma.

Ito ang inihayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at  Caloocan Bishop Virgilio David bilang pag-iingat ng Simbahang Katolika sa patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID)-19. 

Sa halip na pagpapahid ng abo sa noo ay maaaring ibudbod na lamang ito sa bumbunan ng mananampalataya. 

Hindi rin nirerekomenda ang paglalagay ng ‘agua bendita’ sa mga lalagyan sa bukana ng simbahan sa halip ay hintayin na lamang ang pagwiwisik ng holy water sa mga mananampalataya. 

Gayunman nilinaw ni David na walang suspensiyon sa ibang gawaing simbahan sa Pilipinas. 

Naunang sinuspinde ang misa at mga gawaing pangsimbahan ng Diocese ng Hongkong at Archdiocese of Singapore dahil na rin sa panganib na dulot ng COVID-19.

CORONAVIRUS DISEASE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with