Kabilang dito ang mga gamot para sa mga sakit at kondisyon sa kalusugan tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung disease, sakit ng mga bagong panganak na sanggol at kanser.
AFP/File
EO para sa maximum retail price sa mga gamot pirmado na ni Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) na nagtatakda ng maximum retail price sa ilang mga piling gamot.

Ito ang kinumpirma ni Senate health committee chairman Christopher “Bong” Go.

Una nang isinumite ng Department of Health (DOH) ang draft ng EO sa tanggapan ng pangulo noong Disyembre kung saan ipinanukala ng ahensiya ang pag-regulate sa presyo ng mahigit 120 mga gamot.

Kabilang dito ang mga gamot para sa mga sakit at kondisyon sa kalusugan tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung disease, sakit ng mga bagong panganak na sanggol at kanser.

Layunin ng kautusan na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino at makabili ng gamot sa abot kayang halaga.

Inaasahan naman ng DOH na bababa ng hanggang 56% ang pres­yo sa merkado ng ilang mga gamot dahil sa EO.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with