Sa ulat, ng Mandaue City Fire Marshal dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Edwin Ermac na mabilis na kumalat sa katabing bahay na pag-aari ng retiradong hukom.
File
Ex-judge, misis tupok sa sunog
Joy Cantos (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Halos hindi na ma­kilala ang bangkay ng isang retiradong hukom at misis nito habang nawawala naman ang kanilang 21-anyos na gulang na apong lalaki matapos makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng mada­ling araw sa kahabaan ng Zamora St., Brgy. Centro, Mandaue City, Cebu.

Ang nasawing mag-asawa ay kinilalang sina dating Municipal Trial Court (MTC) Judge Gerard Gestopa, 67; at misis nitong si Louella, 66.

Sa ulat, ng Mandaue City Fire Marshal dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Edwin Ermac na mabilis na kumalat sa katabing bahay na pag-aari ng retiradong hukom.

Ayon sa imbestigasyon, nagawang ma­kalabas ang mag-asawa sa nasusunog nilang bahay, pero binalikan nila ang kanilang apong si Gerick hanggang sa tuluyan nang makulong ng apoy.

Umabot sa ikaapat na alarma at naapula bandang alas-4:10 ng mada­ling araw na kung saan ay aabot sa 15 kabahayan ang napinsala.

Patuloy namang pi­naghahanap ang apo ng mag-asawa na hindi pa batid kung nakaligtas o kasama ring natupok ng apoy.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with