Sa imbestigasyon, alas-4:00 ng hapon noong Sabado nang magsagawa ng rescue ope­ration sa #1 J. Sotto St. Chrysanthemum Villa brgy. Chrysanthemum, San Pedro Laguna ang mga PNP-AKG nang makatanggap ng e-mail mula sa PCTB Interpol NCB Manila na humihingi ng tulong para ma rescue ang mga biktima.
File
Apat na Malaysian na kinidnap, nasagip
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na Malaysian national na kinidnap sa isang POGO hub sa San Pedro, Laguna ang nasagip ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ang mga nasagip ay kinilalang sina Tan Hang Yi; Khoo Soon Chiang; Cheam Chun Keat; at Jonathan Ting Zhi Haw.

Sa imbestigasyon, alas-4:00 ng hapon noong Sabado nang magsagawa ng rescue ope­ration sa #1 J. Sotto St. Chrysanthemum Villa brgy. Chrysanthemum, San Pedro Laguna ang mga PNP-AKG nang makatanggap ng e-mail mula sa PCTB Interpol NCB Manila na humihingi ng tulong para ma rescue ang mga biktima.

Natunton ng mga otoridad ang mga biktima na dinala sa isang Philippine Offshore Gaming Ope­ration (POGO) at dito ay naaresto ang 10 armadong kala­lakihan na pinangungunahan umano ng isang Chinese.

Nabatid na tinatakot at nanghihingi umano ng ransom ang mga suspek sa mga biktima para sa pansamantala nilang kalayaan.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with