Ito ang inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at ang pagkasama ni Espenido sa drug list ay kasalukuyan pang iniimbestigahan at bineberipika ng DILG at PNP.
The STAR/Edd Gumban, File
Probe Espenido, ipinaubaya ni Sen. Go sa DILG
(Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang Department of Interior and Local Government (DILG) na umano ang bahalang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkakasama sa narcolist ni Lt.Col. Jovie Espenido.

Ito ang inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at ang pagkasama ni Espenido sa drug list ay kasalukuyan pang iniimbestigahan at bineberipika ng DILG at PNP.

Ipinauubaya rin ni Go sa PNP ang paglilinis sa kanilang hanay upang masiguro na hindi sila mahahaluan ng mga tiwali at sangkot sa ilegal na droga.

“We gave our trust to the officials of the PNP and they know that together with the trust given to them is the responsibility to hold themselves and their ranks accountable for any accusation of wrongdoing. This is part of their duty to restore the integrity of their institution and fulfill their mandate to serve and protect the Filipino people,” ani Go.

Iginiit naman ni Go na patuloy pa rin ang tiwala niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte na magagampanan ng pulisya ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Hindi rin umano ito magiging dahilan para huminto sa drug war lalo na ngayon at nakikita ng publiko na unti-unti ng nagtatagumpay ang pamahalaan laban sa salot na ilegal na droga.

JOVIE ESPENIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with