Dating alkalde, 9 pa kinasuhan ng transport group sa Ombudsman
(Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil umano sa panghaharas sa mga opisyal at miyembro ng isang transport group ay kinasuhan sa Office of the Ombudsman ang dating alkalde at mahigit siyam na iba pa.

Sa 12 pahinang rek­lamo na may petsang Pebrero 14, 2020 na isinampa ng Common Transport Service Coope­rative na kinatawan ni Deltha Bernardo bilang general manager ay kinasuhan sa paglabag sa Sec. 3 (e) at (f) ng Republic Act No. 3019 at grave misconduct, oppression at acts prejudicial to the best interest of the service sina dating Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez, Engr. Alexander Almario, Danny Santos, Virgilio Calag, Brgy. Chairman Karen Mae Hernandez, Brgy.Sec. Rose Marie Bayanado, Brgy. Exec. Officer Germogenes Didulo, Erlyn Abrigo, Jojo Brender, Rosanna Brender at ilan pang John Does.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y panghaharas ng mga akusado nang lumabas ang kanilang 15 unit ng modern jeep sa ilalim ng PUV Modernization Program ng DOTr.

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naka­bili ang transport group ng isang lupain na ginawang terminal at garahe sa San Isidro, Rodriguez, Rizal at pinalalabas umano ni Hernandez na pag-aari niya ang ginawang terminal ngunit wala namang maipakitang dokumento.

Hindi rin umano sila mabigyan ng permit ng kasalukuyang mayor na anak ng dating alkalde.

OMBUDSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with