Nene kinatay ni tatay gamit ang screwdriver
Raymund Catindig (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 6-anyos na nene makaraang katayin ng mismong sariling ama na sinasabing sabog sa droga naganap sa Brgy. Atulu, Iguig, Cagayan noong Huwebes.

Sa ulat ng pulisya, nakahandusay at tigmak sa sariling dugo nang matagpuan ng kanyang lola sa loob ng kanilang tahanan ang batang biktima na si Princess Lamusao, dakong alas 9:30 ng umaga.

Sinikap pang isu­god ng mga kaanak ang bata sa Cagayan Valley Medical Center kung saan na­lamang pinatay ito sa sakal at sinaksak ng apat na beses gamit ang screwdriver sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, inamin naman ng ama ng biktima na si Noel Lamusao, 45, ang krimen nang matagpuan siyang tulala at may bahid ng dugo.

Bagamat hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang suspek kung bakit nito pinatay ang anak, sinabi ng mga otoridad na isasailalim nila sa drug test at pagsusuri sa psychiatrists ang huli upang malutas ang krimen.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with