Sa kabuuan ay mahigit 65,200 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.
AFP/STR
Death toll sa COVID-19 pumalo na sa 1,486
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 1,486 ang global death toll ng COVID-19 matapos makapagtala ng 116 nasawi sa Hubei Province, China sa nakalipas lamang na magdamag.

Kabilang sa paniba­gong bilang ng namatay ang anim na health workers.

Tatlo sa nasabing bilang ay nasawi sa Hong Kong, Pilipinas at Japan.

Nakapagtala rin ng 4,823 panibagong bilang ng tinamaaan ng sakit sa Hubei.

Sa kabuuan ay mahigit 65,200 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.

Naging mabilis din ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Japan at Singapore sa nakalipas na magdamag.

Ang Japan ay mayroon nang 251 na kaso, 58 sa Singapore, 53 sa Hong Kong, 33 sa Thailand, at 28 sa South Korea.

Ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng bagong kaso ng sakit sa magdamag ay ang Malaysia (1), Vietnam (1), Amerika (2) at UK (1).

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with