Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na isang team na kinabibilangan ng Coast Guard, Maritime Police, Bureau of Customs at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Health Officer Dr. Rowena Guzman-Manantan ang nagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga Pilipino at Tsinong crew members gayundin ang pagsisiyasat sa papeles ng mga barko na animoy’ walang nakasaad na misyon para humimpil sa Cagayan.
AFP/File
4 Chinese vessel sa Aparri sinusuri sa COVID-19
Raymund Catindig (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng takot sa pagkalat ng nakamamatay na COVID-19, sinisiyasat ngayon ng awtoridad ang apat na Chinese vessels sa maaari nitong dalang epidemya at umano’y balaking magsagawa ng ipinagbabawal na black sand mining nang dumaong ito sa Port of Aparri noong Huwebes.

Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na isang team na kinabibilangan ng Coast Guard, Maritime Police, Bureau of Customs at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Health Officer Dr. Rowena Guzman-Manantan ang nagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga Pilipino at Tsinong crew members gayundin ang pagsisiyasat sa papeles ng mga barko na animoy’ walang nakasaad na misyon para humimpil sa Cagayan.

Ayon sa report, ang mga pawang “dredging” vessels o panghukay na Silk Road (Xiang Yueng Huo) 12, 13, 14 at 16 ay pinamumunuan na magkasunod nila Violeto Batallones, Narceso Sales, Xu Meng Si at Li Bin Hua.

Ang mga barko ay nagmula sa Port of Sta. Cruz, Zambales.

Idinagdag ni Mamba na ang mga barko ay nakarehistro sa Riverfront Construction Incorporated na may business address sa Unit 101 Diamond Tower, 81 Mariveles St. Mandaluyong City at nakapangalan kay Feng Li bilang President/CEO.

Noong nakaraang Agosto, nabanggit sa Provincial Board inquiry ang pangalan ng Riverfront sa mga umano’y pinaghihinalaang nagsasagawa ng black sand mining sa balatkayong paghuhukay ang ginagawa nito upang mapalalim ang daungan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with