Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si P/Staff Sergeant Roel Orihuela, 47-anyos, at residente ng No. 118 P. Zapanta St., Singalong, Malate, Maynila.
STAR/File
Parak niratrat sa loob ng resto
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang isang pulis nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang nasa loob ng isang restaurant, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si P/Staff Sergeant Roel Orihuela, 47-anyos, at residente ng No. 118 P. Zapanta St., Singalong, Malate, Maynila.

Sa ulat ni  P/Staff Master Sergeant Bernardo Ca­yabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi nitong Huwebes sa loob ng Arjurie Restaurant na matatagpuan sa Arellano Avenue corner Don Pedro St., Malate.

 Sa inisyal na imbestigasyon, abala sa panonood ng telebisyon sa loob ng nasabing restaurant ang biktima nang biglang dumating ang dalawang lalaki at pinaulanan ng putok ang biktima.

 Matapos bumulagta ang biktima ay nagmamadaling binalikan ng mga salarin ang isang motorsiklong ipinarada sa’ di kalayuan at humarurot papalayo.

Agad namang naisugod sa naturang ospital ang biktima ng kanyang kapatid na sumaklolo matapos ang pamamaril ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulisya sa naturang krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with