Lotto at STL pinakamalaking revenue generators ng PCSO
Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Garma, nananatiling mahalaga ang lotto games, at STL sa pagsustena sa kita ng ahensiya na nagkaroon ng bahagyang pagbaba noong nakaraang taon.
File
Lotto at STL pinakamalaking revenue generators ng PCSO
Mer Layson (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang lotto games at Small Town Lottery (STL) ang nananatiling pinakamalaking revenue generators ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), upang patuloy na makapagkaloob ng tulong sa mga pasyenteng walang pampagamot at mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Garma, nananatiling mahalaga ang lotto games, at STL sa pagsustena sa kita ng ahensiya na nagkaroon ng bahagyang pagbaba noong nakaraang taon.

Ani, Garma, ang lotto games ay kumita ng P21 bilyon habang ang STL ay kumita ng P19 bil­yon sa buong 2019. 

Kung ikukumpara noong nakalipas na 2018 ay bumaba ng bahagya ang kita ng PCSO, makaraang mapanalunan ang P1.8 bilyong jackpot prize.

Una na ring sinabi ng PCSO na target nilang bumuo ng mga bagong palaro upang makadagdag at makabawi sa kita, na siya nilang gagamitin sa kanilang pagka-kawanggawa.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with