Chinese na nandura sa pulis kinasuhan

Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan ng patung-patong na kaso ang isang Chinese national na naaresto kamakalawa sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Maynila dahil sa mga paglabag.

Nabatid, na alas-2:30 ng hapon nang dalhin sa Manila Prosecutors Office si Zhou Zhi Yi, 50 at kasuhan ng  paglabag sa Dangerous Drugs Act, Direct Assault to the Person of Authority at Unjust Vexation.

Magugunita na si Zhou ay hinarang ng mga tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) sa Binondo dahil sa pag­labag sa number coding hanggang sa pinaharurot ang kanyang Toyota Fortuner at masukol sa panulukan ng Tayuman, Abad Santos.

Nakuhanan si Zhou ng ilang pakete ng shabu at dinuraan din nito ang pulis na umaresto sa kanya.

Nakipag-ugnayan na rin ang MPD sa Chinese Embassy at Bureau of Immigration upang mabatid kung may iba pang kaso ang suspek at para makakuha ng iba pang detalye.

ARESTADO CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with