Ito ang tiniyak ni Ma­yor Joy Belmonte, nang magkaroon na ng 2 kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.
STAR/ File
QC Mayor Joy B, tiniyak ang kahandaan ng lungsod sa nCoV
Angie dela Cruz (Pang-masa) - February 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa umano ang lokal na pamahalaan sa anumang insidente ng kaso ng 2019 novel Coronavirus lalo na sa tatlong ospital na pinatatakbo ng QC government.

Ito ang tiniyak ni Ma­yor Joy Belmonte, nang magkaroon na ng 2 kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.

Ang Quezon City Medical Center, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital na pinangangasiwaan ng QC government ay kumpleto sa kailangang safety equipment kabilang na ang isolation tent at iba pang kagamitan para sa posibleng pagkakaroon ng nCoV patients sa QC.

May round the clock na ring ugnayan ang city health officials sa pagitan ng mga private hospitals sa lungsod hinggil sa protocols sa pangangasiwa sa hinihinalang nCoV cases.

Mayroon na ring 80 frontline responders at logistics personnel ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na unang nagsagawa ng preparedness training hinggil sa tamang paggamit ng personal protective equipment, pangangalaga sa mga pasyente at tamang disposal at disinfection ng mga kagamitan.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with