3 holdaper, 2 pusher bulagta sa Quezon City shootout
Unang napatay ang dalawang umano’y pusher ng shabu na sina alyas “Ojak” at “Jhon” matapos manlaban sa mga tauhan ng Batasan Police Station (PS) 6 sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Quail St., Area 2, Sitio Veterans Brgy. Bagong Silang, dakong ala-1:30 ng madaling araw.
STAR/File
3 holdaper, 2 pusher bulagta sa Quezon City shootout
Joy Cantos (Pang-masa) - February 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang lima na kinabibilangan ng tatlong sinasabing holdaper at dalawang pusher sa magkakahiwalay na ope­rasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod nitong madaling araw ng Biyernes.

Unang napatay ang dalawang umano’y pusher ng shabu na sina alyas “Ojak” at “Jhon” matapos manlaban sa mga tauhan ng Batasan Police Station (PS) 6 sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Quail St., Area 2, Sitio Veterans Brgy. Bagong Silang, dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may lamang mga bala, isang kalibre .45 Colt pistol, at isang kulay itim na body bag.

Samantala, sa Brgy. Bagumbayan, bulagta ang tatlong kilabot na holdaper makaraang respondehan ng mga tauhan ng Eastwood Police Station (PS) 12 ang paghingi ng saklolo ng mga biktimang sina Fe Buenaventura, 32; at isang 15-anyos na binatilyo na hinoldap umano ng mga suspek habang naglalakad sa kahabaan ng Obrero St., sa naturang barangay, dakong alas-3:05 ng madaling araw.

Nabatid na sa pagtakas ng mga suspek matapos makuha ang personal na gamit ng mga biktima ay dito na nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga otoridad at mga suspek kung saan nang makorner ay mas pinili ng mga ito na manlaban kaysa sumuko.

Sa pagitan ng palitan ng putok ay magkakasunod na bumulagta ang mga suspek. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with