Ayon kay Abeyasinghe nakapasok na ang coronavirus sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada, at France.
AFP/Nicolas Asfouri
China virus death toll: 106 na
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 106 ang bilang ng mga namamatay sa coronavirus sa China mula sa 4,515 kumpirmadong kaso.

Ito ang inihayag ni World Health Organizations (WHO) Country Director Dr. Rabindra Abeyasinghe at patuloy na minomonitor ng mga health authorities ang outbreak kaya’t  naaabisuhan ang Pilipinas kung ano ang mga dapat na gawin.

Ayon kay Abeyasinghe nakapasok na ang  coronavirus sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada, at France.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na nasa 27 Chinese na persons under investigation sa bansa kaugnay ng bagong strain na pawang mga may travel history na galing sa Wuhan, China. 

Kinuhanan ng samples ang mga ito at dinala sa RITM para sa pagsusuri na sandaling makitaan ng virus ay dadalhin naman sa Australia para sa confirmatory test.

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with