2 Chinese, 1 Pinoy patay sa ambush
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese at isang Pinoy ang nasawi nang sila ay pagbabarilin habang sakay ng kotse ng mga hindi pa kilalang mga salarin, kahapon ng hapon sa Taguig City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ninjie Zhang, 42, lalaki, nakatira sa Bagong Silang, Caloocan City; isang alyas Kauyu, Chinese national at isang Pinoy na kinilalang si alyas Noel, residente ng Cavite.

Nasa kritikal na kala­gayan sa ospital ang dala­wa pang biktima na sina Crystal Sang, 5; at Hazel Sang, 12, kapwa nakatira sa Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng hapon nang pagbabarilin ang mga biktima habang sakay ng Toyota Vios, (ABP-8026) sa tapat ng gusali ng Department of Science and Technology sa may Gen. Santos Avenue, Brgy. Upper Bicutan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng hindi pa mabatid na uri ng behikulo.

Patuloy pa ang masu­sing imbestigasyon sa insidente habang ikinasa na ang follow-up operations para matukoy at madakip ang mga salarin.

PAGBABARILIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with