Bastos, walang disiplinang dayuhan puwedeng arestuhin! - PNP
Joy Cantos (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na maaari nang isailalim sa ‘citizen’s arrest ang mga bastos at walang disiplinang dayuhan.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, kung naaktuhan ng pam­babastos, panglalapastangan at paglabag sa ordinansa tulad ng pag-ihi, pagdumi sa mga historical site gayundin ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at iba pa.

Ginawa ni Banac ang pahayag kasunod ng isang dayuhang hinihinalang Chinese na nag-viral sa facebook matapos na makunan ng larawan na dumudumi sa mala­king flower pot sa Baluarte de Dilao sa Intramuros, Manila na ipinoste ng isang Dos Alvarados sa kaniyang facebook account.

Habang apat na Chinese looking na mga lalaki ang nakita namang umiihi sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City noong linggo.

Subalit, para sa proteksyon na rin ng mga netizen’s  ay mas makabubuting tawagin nito ang mga barangay tanod o ‘person in authority’ ang umaresto sa mga bastos at lumalabag sa ordinansang mga dayuhan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with