^

Police Metro

Abogado, driver utas sa pamamaril

Joy Cantos - Pang-masa
Abogado, driver utas sa pamamaril
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaril, alas-9:10 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Barangay San Vicente sa harapan ng San Vicente Parish Church ay kasalukuyang lulan ng kulay itim na Toyota Camry (ZMD 630) ang mga biktima at binabaybay ang kahabaan ng nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang abogado at driver nito makaraang pagbabarilin ng tatlong armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa naganap na ambush sa harapan ng isang simbahan sa Brgy.San Vicente, Sta. Rita, Pampanga, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Atty. Anselamo Montemayor Carlos, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Cabangcalan, Floridablanca, Pampanga at driver nitong si Marcial Perez Mendoza, ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaril, alas-9:10 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Barangay San Vicente sa harapan ng San Vicente Parish Church ay kasalukuyang lulan ng kulay itim na Toyota Camry (ZMD 630) ang mga biktima at binabaybay ang kahabaan ng nasabing lugar.

Pagtapat sa simbahan ay dinikitan ng isang Honda Wave 115 ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Nang masiguro ng mga suspek na nadale nila ang target ay tumakas ang mga ito palayo sa lugar.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng nangya­ring pananambang sa mga biktima.

vuukle comment

ANSELAMO MONTEMAYOR CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with