^

Police Metro

P29.6-B ‘overrecovery’ ibalik sa power consumers

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibalik ang P29.6 bil­yong ‘overrecovery’ na pinayagan sa ‘annual dis­tribution charges’ ng consumers mula 2013 hanggang 2018.

Ito ang hiniling ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares at electric consumers advocacy group na Matuwid na Singil sa Kuryente Consumers Alliance Inc. (MSK).

Iginiit ni Colmenares, kailangang magsagawa ng imbestigasyon ukol dito ang Kongreso upang hindi na maulit pang muli ang ‘overrecovery’ ng power firm.

Sa panig naman ni Aya Jallorina, executive director ng MSK, una narin silang nagpetisyon sa ERC at hiniling na atasan ang power firm na magbigay ng ‘provisional refund’ kahit kalahati lang ng hinihingi nito o P14.8 bilyon habang kinukuwenta pa ang tama at tinitingnan pa ang overcharges at ang kaakibat na interes na kinita nito sa sobrang singil mula 2013 hanggang 2018.

Mali, anya ang paggamit na annual growth rate na 3.5% sa sales ng power firm dahil 6.78% per year na ang ave­rage growth ng sales nito sa nakalipas na siyam na taon kaya umabot sa P29.6 bilyon ang kuwenta nito sa sobrang singil mula 2013 hanggang 2018.

Nabatid na ang mga distribution rate ng po­wer firm na binabayaran ngayon ng mga consumer ay kinuwenta noon pang 2013 at ang ginamit na basehan ay ang mas maliit na energy sales na 30.61 billion kilowatt hour at ang annual growth rate na nasa 3.5% lamang.

vuukle comment

ELECTRIC CONSUMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with