^

Police Metro

DOJ papalawakin pa ang kanselasyon ng VFA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Palalawakin pa ng Department of Justice ang pag-aaral sa proseso ng planong pagkansela ng pamahalaan at pinasok nitong Visiting Forces Agreement (VFA) sa tropa ng Amerika.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ay bunsod ng kautusan ng Malacañang na palawigin pa ang sakop ng kanilang pag-aaral sa nilalaman ng VFA.

Kasama sa pag-aaral ang preliminary impact assessment o epekto sakaling tuluyan na ngang kanselahan ng pangulo ang VFA.

Paliwanag ng kalihim, mas mahalaga ang magiging epekto ng VFA cancellation kumpara sa proseso ng pagkansela nito.

Una nang nagbanta ang pangulo sa Amerika na ipapawalang-bisa nito ang VFA kasunod ng pagkansela ng Estados Unidos sa US visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at nagbigay ng isang buwang palugit sa US government para bawiin ang kanselasyon nito sa visa ni Dela Rosa.

vuukle comment

VISITING FORCES AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with