Chop-chop na bangkay sa maleta, nadiskubre sa Bulacan
Omar Padilla (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang naagnas na bangkay ng lalaki na walang ulo at dalawang binti na nakasilid sa isang maleta ang natagpuan ng isang basurero kahapon ng umaga sa Quirino Highway, Marcela 5, Brgy. San Manuel, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, isang naghahakot ng basura na nakilalang si Rodelio Gorriceta, 22-anyos ang nakakita sa nasabing maleta sa gilid ng kalsada dakong alas-5:30 ng umaga.

Kinuha ni Gorriceta ang maleta at inilagay sa likurang bahagi ng trak ng basura.

Pagdating nila sa dumpsite, doon niya binuksan ang maleta at la­king gulat niya na isang nangangamoy at naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na walang ulo at dalawang binti ang nasa loob ng maleta.

Agad niyang ipinagbigay alam sa mga otoridad ang kanyang nasaksihan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng biktima at hinala ng mga ito na sa ibang lugar kinatay ang lalaki at saka itinapon ang ulo at dalawang binti nito.

CHOPCHOP PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with