Pulis itinumba sa loob ng bus
Joy Cantos (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng tatlong ‘di pa natutukoy na salarin na pawang sakay din ng isang pampasaherong bus naganap sa kahabaan ng highway ng Brgy. Mamawan, Ba­liguian, Zamboanga del Norte, nitong Biyernes ng hapon.

Dead-on-arrival sa Siocon District Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Police Master Sergeant Chito Lagahit Jr. aktibong kasapi ng Baliguian Municipal Police Station.

Sa ulat, sinabi ni Police Major  Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang pamamaslang sa biktima sa loob ng SJG Bus Liner habang bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Sitio Quarry, Brgy. Mamawan, Baliguian ng lalawigang ito, dakong alas-5:45 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon,  ang mga salarin ay sumakay din sa nasabing bus galing Dipolog City patungo sa Baliguian kung saan tumabi pa ang mga ito sa upuan ng biktima at pagsapit sa nasabing lugar ay agad itong pinagbabaril.

Agad namang isinugod ang biktima sa pa­gamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

BUS PATAY PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with