Nagpalabas na rin ang BOC ng alert order para sa iba pang shipment na naka-consigned sa kumpanyang Dynamic M Intl Trading Inc., na may warehouse sa Kawit, Cavite.
AFP/File
Meat products na may ASF, ibinaon sa lupa
Mer Layson (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na mag-positibo sa African Swine Fever (ASF), kaagad na ipinag-utos ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang ‘condemnation’ o ibaon sa lupa ang mga goods na natagpuan sa isang container na naka-consigned sa isang meat trader company.

Nagpalabas na rin ang BOC ng alert order para sa iba pang shipment na naka-consigned sa kumpanyang Dynamic M Intl Trading Inc., na may warehouse sa Kawit, Cavite.

Maghahain din ang BOC ng kaso laban sa kumpanya at irerekomenda ang pagbawi ng lisensiya ng brokers nito.

Mahigpit na ring minu-monitor ng BOC ang pagdating ng mga containers ng mga meat at seafood products na pumapasok sa Manila ports.

Noong Disyembre, may 134 cargo na nag­lalaman ng iba’t ibang uri ng frozen seafood products ang nakum­piska matapos na mabigo ang consignees nito na makakuha ng kaukulang permit para sa kanilang importasyon.

Ang shipment na naka-consigned sa Dynamic M Intl Trading Inc. ay dumating noong Disyembre 11 noong nakaraang taon.

Naglalaman ito ng pecking duck at ilang misdeclared items, na siyang nagtulak kay Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro na irekomenda para sa pagsusuri, kung saan lumitaw na ang mga produkto ay kontaminado ng ASF.

Ang Manila International Container Port Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) ang na­nguna sa imbestigasyon.

Si Dr. Reynaldo R. Quilang, MSA, chief ng Veterinary Quarantine Services-MICP, naman ang nagrekomenda na lahat ng laman ng container ay i-condemned at ibaon na sa compound ng warehouse.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with