Iniulat din kahapon ng CGTN na umabot na sa 41 ang namatay dahil sa NCov samantalang nasa 1,297 ang nag positibo sa virus sa China samantalang 38 ang gumaling. May naiulat din na 19 na kaso sa ibang bansa.
STR/AFP
Doktor sa Wuhan hospital patay sa coronavirus
Malou Escudero (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang doktor na sumusuri at gumagamot sa mga pasyenteng tinamaan ng novel coronavirus sa isang ospital sa Hubei, probinsiya ng China ang naiulat na namatay dahil sa naturang virus.

Sa pahayag ng China Global Television Network (CGTN), kinilala ang nasawing doktor na si Liang Wudong, 62 taong gulang.

Isa si Wudong sa mga doktor sa Hubei Xinhua Hospital sa Wuhan na nanguna sa paggamot sa mga pasyenteng dinapuan ng nakamamatay na virus.

Iniulat din kahapon ng CGTN na umabot na sa 41 ang namatay dahil sa NCov samantalang nasa 1,297 ang nag positibo sa virus sa China samantalang 38 ang gumaling. May naiulat din na 19 na kaso sa ibang bansa.

May naiulat na ring 3 kaso ng coronavirus sa Malaysia na pare-parehong may kaugnayan umano sa isang 66-anyos na pasyente sa Singapore.

Iniulat din kahapon ang unang kaso sa Australia na isang 50 taong gulang na Chinese national na bumiyahe kamakailan sa Wuhan City at kasalukuyang naka-isolate sa isang ospital sa Melbourne.

Kinumpirma naman na kumakalat ang virus sa pamamagitan ng human-to-human transmission at maaaring mag “mutate” ayon sa mga eksperto.

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with