Narekober sa encounter site ang isang M-16 rifle, apat na improvised explosive devices (IEDs), dalawang kilo ng sangkap pampasabog, isang magazine ng M-16 rifle, isang cellphone, isang container ng bigas, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.
The STAR/Joven Cagande,file
Terorista utas sa encounter
Joy Cantos (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng Dawlah Islamiyah terrorist group matapos na makasagupa ang tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Balindong at Piagapo, Lanao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Ang napatay na tero­rista ay kinilalang si Jarir Usman, 28-anyos ng Brgy. Raya Saduc, Marawi City, Lanao del Sur.

Narekober sa encounter site ang isang M-16 rifle, apat na improvised explosive devices (IEDs), dalawang kilo ng sangkap pampasabog, isang magazine ng M-16 rifle, isang cellphone, isang container ng bigas, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar sa naganap na bakbakan. Ang mga kalaban na nagtamo ng sugat ay mabilis na nagsitakas sa takot na makorner ng tropa ng pamahalaan.

 Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ng mga sundalo sa mga nakatakas na terorista.

TERORISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with