5 arestado sa P5 milyong shabu
Cristina Timbang (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis sa magkakasunod na drug operation ang limang katao na kung saan ay nasamsam ang nasa P5 milyong halaga ng shabu sa Bacoor City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Aiza Juiamalo, 58; Bainot Saidali, 40; Nasser Makalpal, 38; Ramona Punyong, 31, pawang mga residente ng Georgetown Ph2, Houston St, Brgy. Molino 4 at Baebon Mohammad, 25, ng Brgy. Kangkongan, Lower Bicutan, Ta­guig City.

Sa ulat, nagsagawa nang magkakasunod na ope­rasyon ang Bacoor Police kasama ang PDEA 4A at PDEA-Cavite sa dalawang magkatabing barangay sa lungsod na ito.

Unang operasyon ay naaresto si Punyong at nakuhanan ng may 55.5 gramo ng shabu na aabot sa halagang P377,400.00 pesos at alas-2:45 ng madaling araw ay naaresto sina Juiamalo, Saidali at Makalpal na kung saan ay nasamsam ang shabu na may timbang na 635 gramo na aabot sa halagang P4,318.000.00 na nakasiksik sa isang lata ng gatas at nakabaon sa lupa.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw ng maaresto si Mohammad sa Brgy. San Nicolas sa tapat ng Puregold Latero at nakuha ang nasa 50.10 gramo ng shabu na aabot sa halagang P340,680.00.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with