2 pulis pinagbabaril sa mall, sundalo napatay
Joy Cantos (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasugatan ang dalawang pulis habang napatay ang gunman na isang sundalo na umatake sa mga una kahapon ng tanghali sa bisinidad ng RiverBanks Mall, Barangka, Marikina City.

Ang mga nasugatang pulis ay kinilalang sina P/Master Sergeants Demetrio Magpali Jr., at Edward Yap; pawang kasapi ng District Special Operations Unit (DSOU).

Sa ulat, bago naganap ang pamamaril, bandang alas-11:30 ng tanghali sa nasabing lugar ay lulan ng kanilang mga motorsiklo ang dalawang pulis nang harangin ng suspect na sakay rin ng motorsiklo na nakasuot ng short pant, kulay asul na t-shirt at kulay itim na vest at sila ay pinagbabaril. 

Gumanti ng putok ang dalawang pulis na nakipagpalitan ng putok sa suspect hanggang sa bumulagta ang huli na kinilalang si Staff Sergeant Marvin Balucas, miyembro ng AFP base sa nakuhang identification card mula sa katawan nito.

BARILAN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with