Sa kabila ng pagmomonitor sa isang 36-anyos na lalaki na dumating sa Tacloban City mula Wuhan, China habang ang 5-anyos na batang lalaki sa Cebu City na mula sa Central Chinese City ay patuloy pang inoobserbahan.
AFP/Leo Ramirez
DOH: Pinas, wala pang kaso ng coronavirus
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Deparment of Health na wala pang kumpirmado na bagong kaso ng coronavirus sa bansa.

Sa kabila ng pagmomonitor sa isang 36-anyos na lalaki na dumating sa Tacloban City mula Wuhan, China habang ang 5-anyos na batang lalaki sa Cebu City na mula sa Central Chinese City ay patuloy pang inoobserbahan.

“Wala pang lumalabas na case ng novel coronavirus (nCoV) 2019. Categorically we have no confirmed 2019 nCoV in the Philippines,” wika ni Health Undersecretary Eric Domingo sa mga reporter.

Ang batang Chinese na nasa Cebu ay nagpositibo sa non-specific coronavirus kaya’t ipinadala ang specimen sa Australia upang matukoy kung anong strain ang dala nito na ang resulta ay nakatakdang ilabas sa Martes.

Maging ang 3 Chinese tourist na dumating sa Kalibo International Airport ay wala ring tag­lay na coronavirus kahit na ito ay nagkaroon ng influenza-like symptoms at ang flight attendant sa airport ay nag-self quarantine na rin matapos makaramdam ng sintomas ng coronavirus.

Habang ang isang bata mula sa Nanjing, China na dumating sa Aklan na may lagnat ay kasalukuyan pang inoobserbahan.

Nagsasagawa naman ng tracked down ang Bureau of Immigration sa 4 Chinese tourists na dumating sa Maynila matapos ma-expose ang mga ito sa isang lalaki na nagpositibo sa bagong coronavirus.

NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with