Inilarawan ang biktimang lalaki na nasa pagitan ng 22-25 taong gulang, may taas na 5’7”, katamtaman ang katawan, nakasuot ng checkered na shorts at pulang t-shirt at may tattoo sa braso. Habang ang babae ay nasa pagitan ng 20-23 taong gulang, nasa 5’1”-5’3” taas, payat, nakasuot ng itim na pantalon at gray na sweat shirt.
File
2 sangkot sa droga itinumba sa C5 Road
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki at babae na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa C5 Road, Taguig City.

Inilarawan ang biktimang lalaki na nasa pagitan ng 22-25 taong gulang, may taas na 5’7”, katamtaman ang katawan, nakasuot ng checkered na shorts at pulang t-shirt at may tattoo sa braso. Habang ang babae ay nasa pagitan ng 20-23 taong gulang, nasa 5’1”-5’3” taas, payat, nakasuot ng itim na pantalon at gray na sweat shirt.

Ayon sa salaysay ng mga residente sa pulis­ya, ala-1:00 ng mada­ling araw nang makarinig sila nang sunud-sunod na putok ng baril malapit sa C5 Road north bound sa Centennial Village, Brgy. Western Bicutan.

Nang puntahan ang pinanggalingan ng mga putok ng baril ay nadiskubre ang bangkay ng dalawang biktima na kapwa may tama ng bala. 

Isa sa mga residente ang nagsabi na isang sasakyan ang nakita nilang huminto sa lugar bago marinig ang magkakasunod na putok ng baril. 

Nabatid na madalas umanong nakikita sa lugar ang dalawang biktima na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with