Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang binuong Termination Committee ng VFA ay pamumunuan ni Foreign Affairs Sec.Teddy Locsin bilang chairman at co-chairman si Defense Sec. Delfin Lorenzana at miyembro sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Philippine Ambassador to Washington Jose Romualdez.
STAR/File
VFA pinababasura na ni Duterte
Rudy Andal, Joy Cantos (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Termination Committe upang simulan na ang proseso ng pagpapawalang bisa sa umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang binuong Termination Committee ng VFA ay pamumunuan ni Foreign Affairs Sec.Teddy Locsin bilang chairman at co-chairman si Defense Sec. Delfin Lorenzana at miyembro sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Philippine Ambassador to Washington Jose Romualdez.

Sinabi ni Panelo sa sandaling mabuo na ang rekomendasyon ng Termination Committee ay agad na aabisuhan ng Philippine government ang US government at sa loob ng 130 days ay mawawalan na ng bisa ang VFA.

Inihayag ni Panelo bagama’t mayroong dalawang theory na ang VFA ay isang treaty o isang executive agreement ay naniniwala ang Malacañang na ito ay executive agreement na maaaring mapawalang bisa ng Pangulo na hindi na nangangailangan ng pagsang-ayon ng Senado.

Naniniwala si Panelo na ang VFA ay niratipikahan ng senado ng Pilipinas ay hindi naman ito niratipikahan sa senado ng Amerika kaya ito ay isang executive agreement at hindi isang treaty.

Una nang nagbanta si Duterte na kakanselahin niya ang VFA dahil sa ginawa ng Amerika na kina­nsela ang US visa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Magugunitang nagpasa ng resolusyon ang US se­nate sa pangunguna ng ilang democrats senators na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opis­yal ng gobyerno ng Pilipinas na nasa likod umano ng pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima dahil sa isyu ng ilegal na droga.

Ibinasura na rin ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump para daluhan ang US ASEAN Leaders Summit sa Marso na gaganapin sa Las Vegas Nevada.

VISITING FORCES AGREEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with