Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Councl, umaabot na sa 81,067 pamilya o kabuuang 316,989 katao ang naapektuhan ng kalamidad.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV
Taal evacuees pumalo na sa 300K
Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 300,000 katao na ang bilang ng mga eva­cuees na naapektuhan sa patuloy na pag-aalburoto ng Taal volcano sa lalawigan ng Batangas matapos ipatupad ang force evacuation at total lockdown sa 14 KM danger zone.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Councl (NDRRMC), umaabot na sa 81,067 pamilya o kabuuang 316,989 katao ang naapektuhan ng kalamidad.

Sa nasabing bilang, 39,811 na pamilya o 147,873 mga indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 500 evacuation centers sa mga apektadong lugar sa lalawigan at maging sa mga naapektuhan sa ilang barangay sa Tagaytay City, Cavite.

Nananatili sa alert level 4 ang bulkang Taal  na bagaman at bahagyang humupa ang pagbubuga ng abo ay nagbabadya pa rin ng malakas at mapanganib na pagsabog.

 Ang mga residenteng nananatili pa sa danger zone ay pinalikas sa mga lugar na isinailalim sa total lockdown at partial lockdown sa mga lugar sa Batangas na nanga­nganib sa pagsabog ng Taal volcano.

TAAL EVACUEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with