Mga manggagawa sa Technohub nangangamba na mawalan ng trabaho
Mer Layson (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t hindi pa gumugulong ang imbestigasyon sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng University of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO wor­kers na nababahala sila sa sitwasyon at nanga­ngamba na mawalan ng trabaho.

Ayon kay Virmel Villareal, 31 na nagtatrabaho sa isang BPO company sa Technohub na sa mga nangyayari at sa mga nababasa ay natatakot na magi­sing na lang isang araw na wala ka na palang trabaho dahil ipinasara na.

Idinagdag pa ni Virmel, sa dalawang taon niyang pagtatrabaho sa Technohub ay wala syang naging problema, maaliwalas at ligtas sa kanyang pinagtatrabahuhan, accesiible sa lahat at  may maayos na panuntunan sa buong complex kaya naman nang marinig niyang iimbestigahan ang UP-Technohub complex ay nalungkot siya kasama na ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“Nananawagan  kami kay Pangulong Duterte, huwag naman sana kaming mawalan ng trabaho. Napakahirap mawalan ng trabaho sa panahong ito,” pahayag ni Virmel.

Umapela rin si Ma. Cristina dela Vega, isang call center agent sa Convergys na huwag sanang magpabigla-bigla ang Malacañang at bigyan ng pagkakataon ang Ayala Land na magpaliwanag.

TECHNOHUB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with