^

Police Metro

Kamara aprub ang kambal resolusyon para sa Taal volcano victims

Gemma Garcia - Pang-masa
Kamara aprub ang kambal resolusyon para sa Taal volcano victims
Pinagtibay din ng Kamara ang HR No. 655 na nag­lalayong maipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa relief efforts, resettlement, livelihood at social development programs para sa benepisyo ng mga biktima ng Taal.
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Upang agad na mabigyan ng tulong at makapagpatupad ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal ay agad inaprubahan ng Kamara ang kambal na resolusyon.

Sa kauna-unahang sesyon na ginawa sa labas ng institusyon ay pinagtibay ng mga kongresista ang House Resolution (HR) No. 662 na inakda nitong Enero 21 nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Minority Leader  Bienvenido Abante, Jr. na nagsusulong sa P30 bilyong supplemental budget na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

Pinagtibay din ng Kamara ang HR No. 655 na nag­lalayong maipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa relief efforts, resettlement, livelihood at social development programs para sa benepisyo ng mga biktima ng Taal.

Inaatasan din ng HR 655 ang mga komite na agad ipatawag ang NDRRMC upang magbigay ng briefing sa lawak ng pinsala ng kalamidad at kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga biktima ng bulkan.

Nagsagawa ng sesyon ang Kamara sa Batangas Convention Center bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente ng Batangas, Cavite at Laguna na apektado ng kalamidad.

Hinamon naman ni Cayetano ang Kamara na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa mga kalamidad at trahedya lalo na sa aspeto ng rehabilitasyon at muling pagbangon mula sa pagkakalugmok.

Hindi lamang umano dapat ituon ang atensyon sa mga relief efforts kundi mas dapat bigyan pansin ang programang rehabilitasyon ng mga biktima ng kalamidad at trahedya sa bansa.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with