P12.4-M reward sa tipster nina Hapilon at Omar Maute
MANILA, Philippines — Dalawang tipster na nagsilbing susi sa pagkamatay sa assault operation ng security forces laban kina Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)-Southeast Asia Emir Isnilon Hapilon at lider ng Maute terrorist na si Omar Maute ang tumanggap sa pamahalaan ng P12.4-M reward.
Pinangunahan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Felimon Santos at PNP Chief Police General Archie Gamboa ang pagbibigay ng reward sa mga nasabing tipster.
Sina Hapilon at Maute ay pawang nanguna sa Marawi City siege noong Nobyembre 23, 2017 kung saan ang krisis ay tumagal ng limang buwan.
Sa nasabing reward ay P7.4-M ang napunta sa tipster ni Hapilon habang tumanggap naman ng P5-M ang tipster sa pagkamatay ni Maute.
Ang dalawang terorista ay napatay ng tropa ng pamahalaan sa assault operation sa kasagsagan ng Marawi City siege noong Oktubre 16, 2017 kung saan matapos ang pitong araw ay natuldukan ang krisis na ikinasawi ng libong terorista, 168 sundalo at pulis habang 47 naman ang napatay sa hanay ng mga sibilyan.
- Latest