Ayon kay Dr. Ferchito Avelino, director ng DOH Epidemiology Bureau na naka-confined na ang bata sa isang ospital sa Cebu.
AFP/Hector Retamal
Bata nagpositibo sa coronavirus
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Mula Wuhan, China bumiyahe sa Cebu City

 MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na isang bata na mula China na kung saan mataas ang kaso ng SARS ay nagpositibo sa coronavirus habang ito ay nasa Pilipinas.

Ang 5-anyos na ba­­tang lalaki mula sa Wuhan, China ay duma­ting sa Cebu noong Enero 12 upang mag-aral ng English.

Ayon kay Dr. Ferchito Avelino, director ng DOH Epidemiology Bureau na naka-confined na ang bata sa isang ospital sa Cebu.

Batay sa samples na nakuha sa bata, ito ay nakaranas ng lagnat, pa­ngangati ng lalamunan at pag-ubo ay negatibo sa MERS-COV at SARS, subalit nagpositibo sa “non-specific coronavirus”.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang coronavirus ay isang uri ng ginagawang test na siyang magde-detects ng anumang  coronavirus, pero hindi nito maa-identify ang particular strain.

Ayon naman sa World Health Organization (WHO) ang Coronavirus ay kabilang sa malaking pamilya ng mga virus na nagsisimula sa simpleng ubo hanggang sa mapunta sa malalang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Ipinadala na ang spe­cimen ng batang pasyente sa mga espesyalista sa Australia upang malaman kung anong coronavirus strain ang dala.

Nasa maayos nang kon­disyon ang bata, su­balit patuloy pa itong nakakaranas ng mga pag-ubo.

Minomonitor na rin ng DOH ang tatlong indibidwal mula China na nakakaranas din ng sintomas ng pag-ubo nang dumating ang mga ito sa Kalibo airport, Aklan.

CORONAVIRUS DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with