DA: Mga hayop na apektado ng bulkan, puwedeng isangla
Angie dela Cruz (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang makapagsimulang muli ang mga magsasaka na apektado ang kabuhayan sa pagputok ng Bulkang Taal ay hinikayat ng Department of Agriculture (DA) na isangla muna ang kanilang mga ala­gang hayop.

Nabatid na naglaan ang DA-Agriculture Credit Policy Council (ACPC) ng P10 milyon para magamit ng mga magsasaka at babayaran ng 50 percent ng kabuuang halaga ng market value ng kanilang alaga.

Maaari namang tubusin ng mga may-ari ang kanilang naisanglang hayop kapag balik na sa normal na kondisyon pero bibilhin ng kaukulang halaga ang kanilang naisanlang hayop.

Ang mga isinanglang hayop ay aalagaan sa Taal Livestock Care Emergency Operations Center sa Southern Tagalog Integrated Agriculture Research Center (STIARC) sa Lipa City para doon maibalik sa normal na kondisyon ang mga hayop lalo na yaong mga namayat dahil hindi nakakain ng maayos nang naiwan ng mga may-ari sa noong pumutok ang bulkan.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with