Bukod sa paghihigpit sa mga papasok sa bansa, paghandaan na rin ang pag-quarantine sa magkakaroon ng nasabing virus.
AFP/File
Mga dadagsang Chinese sa Lunar New Year tiyakin na walang dalang coronavirus
Malou Escudero (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaaalerto at magpapatupad ng precautionary measure ang Department of Health, International Airport Authority at iba pang ahensiya upang hindi makapasok sa bansa ang bagong strain ng pneumonia-causing virus na coronavirus dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Chinese nationals ngayong weekend upang ipagdiwang ang Lunar New Year.

Ito ang naging babala ni Sen. Imee Marcos, dahil masyadong maluwag ang immigration procedures sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) kaya hindi imposibleng makapasok sa bansa ang bagong virus na na-traced ng mga Chinese officials mula sa isang animal at seafood market sa Wuhan, ang capital ng central mainland province sa Hubei.

Bagaman at sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tiyak o “inconclusive” ang human-to-human transmission ng bagong virus, mas mabuti pa rin ang nag-iingat at dapat pa ring maghigpit sa mga international airports at seaports upang mabawasan ang posibilidad na kumalat ang virus, partikular sa Manila, Kalibo, Cebu at Davao na may direktang travel links sa China.

Bukod sa paghihigpit sa mga papasok sa bansa, paghandaan na rin ang pag-quarantine sa magkakaroon ng nasabing virus.

LUNAR NEW YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with