Ayon sa Phivolcs, kahit na naobserbahan ang pananahimik ng bulkan sa nakalipas na araw na nag­lalabas ng steam emission na may taas na 100 hanggang 500 meters ay may kakaiba namang pagkilos ang bulkan sa ilalim.
AFP/Ed Jones
‘Big Bang’ posible pa!
Angie dela Cruz, Mer Layson, Rudy Andal (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

Phivolcs:Magma patuloy ang pag-akyat...

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Renato Solidum na posibleng sumabog muli ang Bulkang Taal dahil sa patuloy na pag-akyat ng magma sa bunganga nito.

“Definitely may pa­paakyat na magma. May nagsusupply pa doon,” wika ni Solidum sa isang press conference kahapon ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, kahit na naobserbahan ang pananahimik ng bulkan sa nakalipas na araw na nag­lalabas ng steam emission na may taas na 100 hanggang 500 meters ay may kakaiba namang pagkilos ang bulkan sa ilalim.

Ipinaalala ng Phi­volcs, na ang mahihinang pagyanig at pag-akyat ng lebel ng sulfur dioxide ay indikasyon nang paggalaw ng magma na posibleng papunta sa muling pagsabog ng bulkan.

Inihayag ni Solidum, na ito ang dahilan kaya patuloy na nakataas ang alert level 4 sa loob ng 14 kilometers permanent danger zone.

Inamin ni Solidum na hindi pa masasabi ng Phivolcs kung hanggang kailan tatagal ang pag-aalburuto ng bulkan.

Samantala sinabi naman ni DILG Assistant Sec. Epimaco Densing na mananatili ang kautusan nilang pagpapasara muna ng lahat ng mga business establishments sa mga lugar na malapit sa Bulkan Taal kasama na ang Tagaytay City.

Kabilang sa partikular na kanilang pinapa­sara ang Taal Vista sa Tagaytay City na bukod tanging nakabukas na business establishment.

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with