Tiniyak naman ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na maisasakatuparan ang chacha o pagpapalit ng Saligang Batas sa loob ng dalawa at kalahating taon sa nalalabing termino ng pa­nunungkulan ni Pangulong Duterte.
The STAR/Joven Cagande
Chacha tatapusin sa termino ni Duterte
Joy Cantos (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago sumapit ang 2022 presidential elections ay positibo ang mga opisyal ng Constitutional Reform (CORE ) Movement na maisasakatuparan ang charter change (chacha) ang hakbanging maamyendahan ang 1987 Constitution sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng mga opisyal matapos ilun­sad kahapon ang CORE Movement sa Multi-Purpose Hall ng Camp Crame.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Secretary Eduardo Año na tumata­yong chairman ng grupong Inter-Agency Task Force (IATF) na nagtutulak sa federalism at constitutional reform. 

Tiniyak naman ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na maisasakatuparan ang chacha o pagpapalit ng Saligang Batas sa loob ng dalawa at kalahating taon sa nalalabing termino ng pa­nunungkulan ni Pangulong Duterte.

Nangako naman si Atty. Vicente Homer Revil, National Chairperson of the CORE Movement, na maglulunsad sila ng signature campaign para mangalap ng kaukulang suporta mula sa publiko.

Anya, kasalukuyan ay mayroong ng 63 lalawigan ang nagpahayag ng suporta sa isinusulong nilang constitutional reform.

Naniniwala si Año na mas epektibong pamamaraan ang  pagsasagawa ng constitutional assembly kaysa sa constitutional convention para sa isinusulong na pagbabago sa 1987 Konstitusyon.

Kabilang sa mga pa­ngunahing gustong baguhin sa reporma ang pag-aam­yenda sa social, political, economic, at electoral provisions ng constitution.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with